WhatsApp Business from Meta
Ang WhatsApp Business ay malaking tulong para magka-business presence ka sa WhatsApp, makipag-ugnayan sa inyong mga customer at palaguin ang inyong business.
Pwede mong i-install ang WhatsApp Business at WhatsApp Messenger sa inyong phone basta magkaiba ang number ng business sa inyong personal na number. Magrehistro lang gamit ang magkaibang number.
Dagdag sa mga features ng WhatsApp Messenger, ang WhatsApp Business ay may:
• BUSINESS PROFILE: Bumuo ng business profile upang malaman ng inyong mga customer ang mahahalagang impormasyon tulad ng website, lokasyon, at iba pang contact info.
• BUSINESS MESSAGING TOOLS: Maging responsive sa inyong mga customer sa pamamagitan ng wala-rito na mensahe upang ipaalam na kayo ay hindi available, o sa pamamagitan ng mensahe ng pagbati upang maligayang batiin ang inyong customer sa una nilang mensahe.
• LANDLINE/FIXED NUMBER SUPPORT: Pwede ding gamitin ang landline sa pagrehistro sa WhatsApp Business, ito rin ang gagamiting number upang kayo ay ma-kontak ng mga customer. Kapag magpapapatunay na, piliin ang opsyon na "Tawagan ako" upang matanggap ang code.
• SABAY NA PATAKBUHIN ANG WHATSAPP MESSENGER AT WHATSAPP BUSINESS: Pwede mong gamitin ang WhatsApp Business at WhatsApp Messenger nang sabay, kailangan lang na may magkaibang number ang bawat app.
• WHATSAPP WEB: Pwede ka ding sumagot sa mga customer mula sa iyong computer browser.
Ang WhatsApp Business ay binuo base sa WhatsApp Messenger, lahat ng features ng WhatsApp ay magagawa mo tulad ng pagpapadala ng multimedia, libreng tawag*, libreng internasyunal na pagmemensahe*, group chat, offline na mensahe, at iba pa.
*Maaaring may bayaring data charges. Kontakin ang inyong provider para sa mga detalye.
Paunawa: kapag nag-restore ng chat backup mula sa WhatsApp Messenger papuntang WhatsApp Business, hindi mo na mare-restore itong chat backup pabalik ng WhatsApp Messenger. Kung nagdadalawang-isip, kopyahin muna ang backup mula sa WhatsApp Messenger, at ilipat sa inyong computer bago ito tuluyang ilipat sa WhatsApp Business.
---------------------------------------------------------
Kami ay nagagalak na makipag-ugnayan sa inyo! Kung kayo ay may feedback, tanong o pag-aalala, i-email kami sa:
[email protected] (mailto:[email protected])
o sundan kami sa twitter:
http://twitter.com/WhatsApp
@WhatsApp
---------------------------------------------------------
• Puwede ka nang mag-swipe pakaliwa sa WhatsApp camera para mag-record ng video nang hands free.
• Puwede mo nang magamit ang WhatsApp sa Android Tablet mo. I-tap ang ‘Mga Naka-link na Device’ sa Mga Setting para i-link ang iyong tablet sa phone mo.
• Kontrolin kung sino ang makakakita kapag online ka. Pumunta sa Mga Setting > Privacy at piliin ang “Huling nakita at Online.”
• Maa-undo mo ang “burahin para sa akin” sa loob ng ilang segundo